Ang nasawing biktima ay kinilalang si PO2 Lydia Halid, 40, dalaga, nakatalaga sa Zamboanga City Police Station 8 na nakabase sa Brgy. Sinunuc sa lalawigan.
File
Lady cop todas sa ambush
Joy Cantos (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang babaeng pulis nang pagbabarilin habang sakay ng kanyang motorsiklo ng nag-iisang gunman kamakalawa ng umaga sa sa kahabaan ng 2nd Navarro, San Roque, Zamboanga City.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si PO2 Lydia Halid, 40, dalaga, nakatalaga sa Zamboanga City Police Station 8 na nakabase sa Brgy. Sinunuc sa lalawigan.

Sabi ng pulisya bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas -8:35 ng umaga ay kasalukuyang minamaneho ang kaniyang motorsiklo at bumabagtas sa lugar nang bigla na lamang pagbabarilin ng nag-aabang na suspek.

 Napuruhan ang biktima ng tama sa ulo na naging dahilan ng agad nitong kamatayan.

Narekober naman ng mga nagrespondeng otoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

LYDIA HALID
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with