Ayon kay Sara, na malawak ang karanasan ni Go sa gobyerno at siya ay kasama na ni Pangulong Duterte simula 1990’s kaya may karapatan ito sa senado.
Edd Gumban
Go suportado ni Mayor Sara
Butch M. Quejada (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Kung tatakbong senador...

MANILA, Philippines — Suportado ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-senador si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na kilalang kanang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sara, na malawak ang karanasan ni Go sa gobyerno at siya ay kasama na ni Pangulong Duterte simula 1990’s kaya may karapatan ito sa senado.

Ikinatuwa naman at pinasalamatan ni Go ang nasabing pag-endorso sa kanya ni Sara lalo pa’t ayon sa kaniya, inspi­rasyon niya ang mga Duterte sa makatotohanang pagserbisyo sa publiko.

“I am humbled by the endorsement of our beloved City Mayor Inday Sara. The Dutertes, the father, the daughter are my inspiration and the example of being a true public servant. Kahit maaga pa po pag-usapan ang politika, ni ‘di ko pa po naisip ang tumakbo ngunit sa mga salitang binitawan ng ating Mayora Inday Sara, ngayon pa lang nakakataba na ng puso at nakakawala ng pagod,” pahayag ni Go.

Subalit, para kay Go na masyado pang maaga pag-usapan ang politika at magtatrabaho muna siya kay Pangulong Duterte at sa bansang Pilipinas.

Pero kung sakali mang matuloy siya sa pagtakbo bilang senador ay handa na rin siya sa nasabing katungkulan at susundin niya kung ano ang magi­ging desisyon ng pangulo.

SARA DUTERTE-CARPIO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with