Ito ang sinabi ni ­Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite dahil hindi pa umano nila natatapos ang articles of impeachment dahil gusto nilang maging komprehensibo at posibleng Lunes o Martes sa susunod na linggo matuloy ang nasabing botohan.
Boy Santos
Botohan ng Kamara sa articles of impeachment laban kay Sereno, iniliban
Gemma Garcia (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniliban ngayong araw ang botohan ng House Justice Committee sa articles of impeachment at committee report laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang sinabi ni ­Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite dahil hindi pa umano nila natatapos ang articles of impeachment dahil gusto nilang maging komprehensibo at posibleng Lunes o Martes sa susunod na linggo matuloy ang nasabing botohan.

Pero sinigurado nang maisasama sa lilitising alegasyon ang hindi pagdedeklara ni Sereno ng kanyang SALN at ilang ari-arian, tax evasion at isyu ng korapsyon.

Ayon pa kay Umali, hindi pa malinaw kung ano ang magiging papel ni dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang bahagi ng private pro­secution team na makakatulong ng House pro­secutors sa impeachment trial.

MARIA LOURDES SERENO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with