Ayon pa kay Aguirre na mayroong isa pang paraan para ma-review ang kaso kagaya ng motion for reconsideration at ang pag-review ng kanyang opisina.
Edd Gumban
Kerwin atbp. ‘di pa lusot
(Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa umano lusot sa kasong illegal drug trade sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at Lovely Impal.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II dahil hindi pa naman pinal ang desisyon ng Natio­nal Prosecution Service (NPS) at isasai­lalim pa ito sa automatic review ang resolusyon at ireresolba pa ito.

Ayon pa kay Aguirre na mayroong isa pang paraan para ma-review ang kaso kagaya ng motion for reconsideration at ang pag-review ng kanyang opisina.

Inamin ni Aguirre na may epekto ang resolusyon sa war on drugs pero seryoso pa rin naman ang DoJ sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Magugunita na naglabas noong Lunes ang NPS ng 41 pahinang resolusyon na aprubado ni Prosecutor General Jorge Catalan para iabsuwelto ang mga nabanggit.

Itinuturing naman ni Philippine National Police (PNP)Chief Director General Ronald dela Rosa na pansamantalang kabiguan lamang sa kampanya kontra droga ang ginawang pagbasura sa kaso dahil nagsumite na ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng motion for reconsideration upang iapela sa DOJ ang kaso.

KERWIN ESPINOSA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with