Sa report ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Amador Corpus, ang aktor na si Baron Frederick Von Geisler ay inireklamo ng kaniyang bayaw na si Michael Robin Stone Morales, nasa hustong gulang at isang negosyante.
Baron Geisler inaresto sa pag-aamok
Joy Cantos (Pang-masa) - March 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik-kulungan ang aktor na si Baron Geisler matapos umanong mag-amok habang may dalang kutsilyo sa harap ng bahay ng kaniyang bayaw sa Brgy. Pulung Maragul, Angeles City, Pampanga, kamakalawa. 

Sa report ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Amador Corpus, ang aktor na si Baron Frederick Von Geisler ay inireklamo ng kaniyang bayaw na si Michael Robin Stone Morales, nasa hustong gulang at isang negosyante.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang nag-amok si Geisler sa harapan ng bahay ng kaniyang bayaw na si Morales at dito ay binantaan pa ng una ang huli habang may hawak itong patalim na papatayin niya umano.

Nagresponde naman ang mga elemento ng Angeles City Police Station 3 at ­inaresto si Geisler.

Si Geisler ay nahaharap sa kasong grave threats, alarms and scandal at pag­labag sa Batas Pambansa No. 6 (illegal possession of deadly weapons).

Si Geisler ay ilang beses ng nasangkot sa kontro­bersya kabilang ang ilang insidente ng sexual harassment na isinampa laban dito ng dalawang kilalang aktres bukod pa sa mga insidente ng pagkakasangkot nito sa kaguluhan sa bar.

BARON GEISLER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with