^

Police Metro

2 Ginang patay sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang Ginang makaraang tambangan ng hindi pa nakilalang riding in tandem na mga armadong salarin sa Los Baños City, Laguna kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Crispina Mendoza, 55 anyos, hiwalay sa asawa, bookkeeper at Wilma Aguinaldo, 60 taong gulang ; pawang mga residente ng Brgy. Bañadero, Calamba City. Sila ay kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa HealthServ Medical Center. Sa ulat ng Laguna Police, nangyari ang pananambang sa dalawang biktima  sa Sitio Libis, Ramos Subdivison, Brgy. Lalakay ng nasabing lungsod dakong alas-5:20 ng hapon.

Ang dalawang biktima ay lulan ng kulay berdeng Toyota Corolla (WDV 384) nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki lulan ng motorsiklong Rusi na walang plaka. Armado ng hindi pa matukoy na kalibre ng armas, agad nilang pinaulanan ng bala ang behikulo ng mga biktima saka mabilis na nagsitakas matapos na mapuruhan ang mga target. Nabatid sa pulisya na nagawa pang mahagip ng behikulo ang motorsiklo ng mga suspek pero nagawa nilang makatakas sa crime scene.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with