^

Police Metro

Shabu ang taya sa ‘kara-krus’, 2 timbog!

Lordeth Bonilla - Pang-masa

Sugal ng mga adik

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawa katao kabilang ang isang babae matapos na mahuli ng mga pulis sa akto na nagla­laro ng sugal na  kara-krus (cara y cruz) at shabu umano ang kanilang pantaya kahapon  sa Caloocan City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Evelyn Nagales, 40,  ng #227 BMBA Compound, 4th Avenue,  Brgy. 120 at Glen Dupang, 28, ng #197 BMBA 2nd St.,  3rd Avenue ng naturang lugar.

Ayon  kay Supt. Ferdinand Del Rosario, deputy chief  of police  for administration ng Caloocan,  alas-11:30 ng umaga habang nagsasagawa ng  beat pat­rol  ang mga pulis ng Police Community Precint (PCP) 1 sa Brgy. 120,  nang i-report  sa kanila ng concerned citizen ang lantarang iligal na sugal na “cara y cruz” sa BMBA Compound at shabu umano ang taya ng mga suspek.

Agad na nagresponde sa lugar ang mga pulis at dito nila naaktuhan ang dalawa na naglalaro ng kara-krus at sa halip na pera ay droga ang kanilang taya.

 Kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at City Ordinance 1272 ang isinampang kaso ng pulisya sa mga naarestong suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with