^

Police Metro

13 bebot, 9 kabataan nasagip sa QC ops

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 13 kababaihan kabilang ang isang buntis na sinasabing nasadlak sa prostitusyon at 9 na kabataan sa isinagawang police operations sa Aurora Boulevard, Quezon City kahapon ng madaling araw. 

Ayon kay Supt. Louise Tremor, hepe ng QCPD-Station 7, nasa pagitan ng 22-40 ang edad ng mga nasagip na kababaihan, kabilang ang isang babae na dalawang buwang buntis.

Sinabi ni Tremor, bukod sa pagbebenta ng pa­nandaliang aliw ay sangkot din umano ang mga nasagip na kababaihan sa pagnanakaw naman sa kanilang parokyano.

Samantala, nasagip din ang 9 na menor-de-edad na lumabag sa curfew at agad inimbitahan ang kanilang mga magulang sa istasyon ng pulisya.

Maging ang 13 “street dwellers” ay sinagip din ng mga awtoridad, kabilang ang isang ina na napilitan umanong manirahan sa kalsada, kasama ang mga anak, matapos palayasin ng kanyang hipag nang pumanaw ang kanyang mister.

Agad na nai-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasagip na ngayon ay isinasai­lalim sa counseling.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with