Aircon technician itinumba sa shop
Ludy Bermudo (Pang-masa) - February 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan dahil sa tinamong bala sa leeg na tumagos sa noo ang isang 46-anyos na aircon technician habang sugatan naman ang kasamahan nito sa trabaho nang pagbabarilin habang abala sa kinukumpuning aircondition unit, sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang kinilalang si Arnaldo Acuna, residente ng No. 2316 Malaya St., Balut, ng naturang lugar habang nilalapatan pa ng lunas ang kapwa aircon technician na si Jonathan Baliuagan, 48, residente ng No. 1963 Int. 1 Almeda St., Tondo na nagtamo ng tama ng bala sa balikat.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga suspek na tumakas na magka-angkas sa isang dilaw na Yamaha Mio na motorsiklo na hindi umano naplakahan.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril ala-1:00 ng hapon, sa loob ng Kawhi Auto Supply & Auto Parts  na matatagpuan sa No. 2028 Juan Luna St.

Hindi umano alintana ng mga biktima ang pagdating ng mga suspek na tumayo sa tapat ng shop habang abala ang dalawa sa trabaho.

Bigla na lamang uma­nong pinutukan si Acuna sa ulo na sa leeg tumama at isinunod na paputukan si Baliuagan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with