^

Police Metro

Tserman inutas

Raymund Catindig - Pang-masa
Tserman inutas

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi mula sa pagpupulong ng mga kapitan sa Vigan City si Paa nang sundan ito at makaraan ay ratratin ng mga berdugong nakasakay sa hindi natukoy na SUV dakong alas-4:00 ng hapon. File

MANILA, Philippines — Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang barangay chairman matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi natukoy na gunmen habang sakay ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Quirino Blvd., Brgy. Tamag, Vigan City, Ilocos Sur noong Huwebes.

Kinilala ni Chief Insp. Winnie de Vera, tagapagsalita ng Ilocos Sur Philippine National Police (PNP) ang napatay na si Chairman Orbillo Paa ng Brgy. San Julian Sur.

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi mula sa pagpupulong ng mga kapitan sa Vigan City si Paa nang sundan ito at makaraan ay ratratin ng mga berdugong nakasakay sa hindi natukoy na SUV dakong alas-4:00 ng hapon.

Isinugod ng mga sumaklolo si Paa sa Gabriela Silang General Hospital kung saan ito nalagutan ng hininga habang ginagamot.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa krimen.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with