Sinisiyasat ng mga kagawad ng SOCO ang nakabulagtang katawan ng lalaking drug pusher matapos na kumasa ito sa mga tauhan ni P/CInsp. Restituto Granil at Provincial Intelligence Branch habang isinasagawa ang drug bust operation sa Brgy. Pulong Gubat sa bayan ng Balagtas, Bulacan. Kuha ni Boy S. Cruz

Pusher dedo sa buy-bust
Boy S. Cruz (Pang-masa) - February 24, 2018 - 12:01am

MANILA, Philippines — Bumulagta noon din ang isang hinihinalang notoryus na tulak ng shabu matapos itong kumasa sa mga otoridad sa isang  buy-bust operation sa Brgy. Pulong Gubat sa bayan ng Balagtas, Bulacan, kahapon ng umaga.

Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kinilala lamang ng pulisya sa alyas na ‘Baboy’, nasa hustong gulang, nakasuot ng short pants, athletic sando at tsinelas na asul.

Sa ulat ni P/CInsp. Restituto Granil, dakong alas-5:00 ng umaga ay nakipagkita ang isang poseur buyer na pulis kasama ang mga kagawad ng Provincial Intelligence Branch sa suspek sa kalsada ng Manolo Galvez St. sa Brgy. Pulong Gubat matapos na makumpirmang patuloy na nagbebenta ito ng shabu.

Habang isinasagawa ang transaksyon sa suspek at sa isa pa nitong kasama ng poseur buyer na pulis ay nakahalata ang mga ito dahilan upang tumakbo papalayo at habang tumatakas ay dito na binaril ang mga papalapit na iba pang pulisya na nasa bisinidad ng lugar.

Naging maagap naman ang pulisya na nagresulta ng kamatayan nito habang kaagad namang tumakas ang kasabwat nito lulan ng motorsiklo sa hindi nabatid na direksyon.            

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang kalibre .38 rebolber, mga bala, apat na pakete ng shabu at isang wallet na naglalaman ng iba’t ibang mga dokumento.

BUY-BUST OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with