Ang suspek na dinakip ng mga tauhan ng PNP at AFP na si Marklen Maojo Maga na umano’y miyembro ng National Organizing Committee ng CPP-NPA at manugang ni National Democratic Front (NDF) Consultant Rafael Baylosis, kamakalawa ng umaga sa Brgy. Ampid, San Mateo, Rizal. Facebook photo/Radyo Pilipinas

NPA organizer dakip sa Rizal
Joy Cantos (Pang-masa) - February 24, 2018 - 12:01am

Suspek manugang ng opisyal ng NDF…

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang manugang ni National Democratic Front (NDF) consultant Rafael Baylosis na umano’y miyembro ng National Organizing Committee ng CPP-NPA kamakalawa ng umaga sa Brgy. Ampid, San Mateo, Rizal.

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Chief P/Sr. Supt. Wilson Asueta ang nahuling suspeck na si Marklen Maojo Maga, nasa hustong gulang ng Brgy Ampid, San Mateo, Rizal.

Ang suspek ay organizer din ng Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) .

Ayon sa opisyal, dakong alas-9:20 ng umaga nang arestuhin ng pinagsanib na mga intelligence operatives si Maga sa isang basketball court sa Greenland Subdivision, ng naturang barangay.

Sinabi ni Asueta na si Maga ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Cesar Bordalba, 10th Judicial Region ng Cabadbaran City, Agusan del Sur .

Nasamsam mula sa pag-iingat nito ang isang cal. 45 pistol  na may isang magazine na kargado ng pitong bala, isang wallet na naglalaman ng sari-saring identification cards at iba pa.

Sa tala ng PNP ang suspek ay miyembro ng Executive Committee, National Youth and Student Bureau at National Organizing Division ng CPP-NPA.

Kaugnay nito, sumugod naman ang mga raliyista mula sa Kilusang Mayo Uno at kinalampag ang Gate 2 ng Camp Crame na kinondena ang illegal umanong pag-aresto sa PISTON organizer na si Maga.

Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa masu­sing imbestigasyon ng mga awtoridad ang nasakoteng suspek.

NPA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with