Ayon kay Eleazar ang mga suspek ay matagal nang minamanmanan ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit matapos na makatanggap ng impormasyon na ang mga ito ay pawang mga big time suppliers ng shabu sa Quezon City, Pasay City at Manila. File

2 ‘tulak’ timbog sa P1.2 milyong shabu
Joy Cantos (Pang-masa) - February 24, 2018 - 12:01am

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang dalawang pinaghihinalaang mga big time ‘tulak’ ng droga sa ilang lungsod sa National Capital Region (NCR) habang aabot naman sa P1.2-milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga ito sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Swak na swak sa kalaboso ang mga nasakoteng suspek na kinilala ni QCPD Dir. P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar na sina Samim Mapandi, 29-anyos, residente ng # 332 C El Pueblo, Brgy. 630, at Junarie Basher, 26, vendor, naninirahan naman sa Brgy. Bario, kapwa sa Sta. Mesa sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Eleazar ang mga suspek ay matagal nang minamanmanan ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos na makatanggap ng impormasyon na ang mga ito ay pawang mga big time suppliers ng shabu sa Quezon City, Pasay City at Manila.

Dakong ala-1:30 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon laban sa dalawa sa harapan ng isang banko sa Quezon Avenue, ng naturang lungsod.

Sinabi ni Eleazar na nakipag-transaksyon ang isang undercover na parak na bumili ng P.6-milyong halaga ng shabu mula kina Mapandi at Basher.

Kaagad na pinosasan ang mga suspek sa aktong iniaabot na ang naturang halaga ng droga, at nang inspeksyunin ang behikulo ng mga ito ay nakuha ang dalawa pang malalaking plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 200 gramo bawat isa at tinatayang nagkakahalaga ng P 1.2-milyon at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002 ang mga nasakoteng suspek.

DRUGS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with