^

Police Metro

45 bahay, bodega ng laruan nasunog

Mer Layson - Pang-masa
45 bahay, bodega ng laruan nasunog
Pinagmamasdan na lamang ng mga residente ang labi ng kanilang mga bahay na nasunog kahapon matapos na masunog ang isang bodega at kumalat sa mga katabing kabahayan sa West Bank Road, Pasig City.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P15-milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa naganap na sunog sa isang residential area at warehouse sa Pasig City, kamakalawa ng gabi at naapula kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, dakong alas-7:25 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa sinasabing bodega ng Rich Prime Global Inc., na imbakan ng mga laruan na pag-aari ng isang Myrna Tangyayo na matatagpuan sa Jenny’s Avenue, Barangay Rosario nagsimula ang sunog.

Ang nasabing nasusunog na warehouse ay kumalat ang apoy sa katabing residential area na karamihan sa mga nakatira sa lugar ay mga informal settlers.

Dahil pawang gawa sa kahoy ang mga bahay ay mabilis itong umakyat sa ika-limang alarma na nagtagal ng hanggang alas-1:58 ng madaling araw bago tuluyang naapula ng mga bumbero ang pagliliyab na apoy.

WAREHOUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with