Bumaliktad ang SUV ni Atty. Arjel Cabatbat matapos niyang sagasaan ang isang motorsiklo na sinasakyan ng tatlong suspek na namaril sa kanya kabilang ang pulis na si PO1 Mark Ayeras na namatay sa insidente. Naganap ang ambush kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Edsa malapit sa Trinoma, Quezon City.
Joven Cagande
Pulis na hitman, utas sa abogadong inambus
Mer Layson (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang pulis na nagsilbing “hitman” habang sugatan ang kasamahan nito matapos na sagasaan ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang abogado na kanilang pinagbabaril sa naganap na ambush kahapon ng mada­ling araw sa Edsa, Quezon City.

Kinilala ang napatay na pulis na si PO1 Mark Ayeras, nasa hustong gulang dating naitalaga sa Quezon City Police District (QCPD) at National Capital Region Police Office (NCRPO) na isa sa tatlong suspek na bumaril sa biktimang si Atty. Arjel Joseph Cabatbat na masuwerteng nakaligtas sa ambush.

Batay sa imbestigasyon ng QCPD dakong alas-12:30 ng mada­ling araw ay pakanan ng East Ave kanto ng  Edsa ang kulay itim na SUV Montero ni Cabatbat nang tabihan ng tatlong suspek na sakay ng isang motorsiklo at paputukan ang biktima na masuwerteng hindi tinamaan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek, subalit hinabol sila ng biktima na kung saan ay nagkaroon ng palitan ng putok ng baril.

Naabutan ng biktima ang mga suspek at pagbaba ng flyover sa Quezon ­Avenue ay sinagasaan ng una motorsiklo ng mga suspek hanggang mawalan  ng balanse at bumaliktad ang SUV at tumagilid.

Dalawa sa suspek na sakay ng motorsiklo ay itinakbo sa East Avenue Medical Center na kung saan ay idineklarang dead- on-arrival si PO1 Ayeras habang ginagamot sa nasabing pagamutan ang kasamahang si John Paul Cerillo, isang dating Overseas Filipino Worker (OFW).

Nakatakas naman ang isa pang suspek na pinaniniwalaang nasugatan din sa palitan ng putok.

Lumalabas sa imbestigasyon na marami umanong banta sa buhay ni Atty. Cabatbat at kabilang dito ang isang hindi pa tinukoy na pangalan ng doktor na nakasuhan at napatanggalan niya ng lisensiya. 

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang tunay na motibo nang pana­nambang sa biktima.

AMBUSH POLICE HITMAN
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with