Ito ang hiniling ni Camarines Sur Rep.Gabriel Bordado sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability para malaman ng kanilang cons­tituents.
File
Solons na nasa listahan ng PCSO-STL, ibunyag
Gemma Garcia (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ng Kamara na isumite ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pangalan ng mga kongresista na tumatanggap o tumatanggi sa pondo mula sa kita ng Small Town Lottery (STL).

Ito ang hiniling ni Camarines Sur Rep.Gabriel Bordado sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability para malaman ng  kanilang cons­tituents.

Dahil sa ilalim ng batas, 7% ng kita ng STL sa partikular na distrito ay mapupunta sa legislative district bilang bahagi dito.

Mabilis naman na dumistansiya si Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal na nagsasabing walang tinatanggap ni singko ang kanyang distrito mula sa kita ng STL.

Ayon naman kay Quezon City Rep. Winston Castelo na hindi rin sila tumatanggap ng pondo dito dahil tumanggi silang magkaroon ng STL sa kanilang lugar.

Iginiit naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na hindi na nakakapagtaka kung bakit patuloy ang sugal dahil ang PCSO ay para pala umanong namumudmod ng pork barrel sa mga mambabatas.

PCSO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with