Nagkaisa ang miyembro ng Davao City Council na aprubahan ang resolusyon na nagdedeklarang persona non-grata kina Sen. Trillanes at Nicolas-Lewis.
File
Trillanes, Lewis idineklarang persona, non-grata sa Davao City
Rudy Andal (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa pagiging kritikal nina Senador Antonio Trillanes IV at philantropist Loida Nicolas-Lewis ay idineklarang persona non-grata sila ng Davao City Council.

Nagkaisa ang miyembro ng Davao City Council na aprubahan ang resolusyon na nagdedeklarang persona non-grata kina Sen. Trillanes at Nicolas-Lewis.

Ilang ulit na inakusahan ni Trillanes na nagkamal ng ill-gotten wealth si Pangulong Duterte at pilit din nitong inuugnay ang anak ng Pangulo na si dating Vice-Mayor Paolo Duterte sa smuggling activities.

Isinusulong din ni Trillanes na imbestigahan ng Senado ang umano’y joint bank accounts nina Davao City Mayor Sara Duterte at Pangulong Duterte na mariin namang itinanggi ng Pangulo ang alegasyon ng senador.

Inakusahan naman ni Pangulong Duterte si Lewis na sangkot sa planong pagpapatalsik sa kanya sa puwesto at base sa ibinigay sa kanyang transcript ng komunikasyon ay nakipag-sabwatan ang philanthropist sa International Criminal Court (ICC) para imbestigahan siya kaugnay sa crimes against humanity dahil sa inilunsad na drug war ng Duterte government.

TRILLANES
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with