“What have we done to you (Kuwait) to deserve this kind of treatment of my countrymen? I could not take abuse of workers,” wika pa ng Pa­ngulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga newly-appointed government officials sa Malacañang.
STAR/File
Digong ibebenta ang kaluluwa sa demonyo
Rudy Andal (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para lamang makahanap ng pera para gastusan ang pag-uwi ng mga OFWs mula Kuwait at matakasan ang mapang-abusong mga amo ay nakahanda umano si Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta ang kanyang kaluluwa sa demonyo.

“What have we done to you (Kuwait) to deserve this kind of treatment of my countrymen? I could not take abuse of workers,” wika pa ng Pa­ngulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga newly-appointed government officials sa Malacañang.

“I’m willing to sell my soul to the devil to find money for OFWs returning from Kuwait. I’m trying to come up with peaceful solution kaugnay sa sitwasyon ngmga OFWs sa Kuwait,” paliwanag pa ng Pangulo sa mga newly-appointed officials matapos ang kanilang oath taking sa Palasyo kahapon.

Magugunita na kamakalawa ay pinirmahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kautusan na magpatupad ng total deployment ban ng mga Pinoy workers sa Kuwait bilang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte.

Ang pagbabawal sa pagpapadala ng Pinoy workers sa nasabing bansa dahil sa mga pang-aabuso sa mga Pinoy household workers tulad ng pagkatagpo sa bangkay ng isang Pinay sa freezer matapos patayin ng amo.

“If you work for them and you are paid, you are treated as a slave,” dagdag pa ng Pangulo matapos ikuwento nito ang mga sinapit ng OFW’s sa Kuwait mula sa kanilang mga amo na halos araw-araw ginagahasa at ang ilan naman ay pinahihirapan at pinapatay.

OFW
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with