Batay sa ulat, bago naganap ang shootout bandang alas -7:00 ng gabi ay pinamunuan ni Senosin ang anti-drug operation sa  Block 3, Lakas Bisig Floodway, Cainta matapos makatanggap ng ulat sa pagbebenta ng droga ng mga armadong suspek sa lugar. File

Drug bust: Police official napatay
Joy Cantos (Pang-masa) - February 13, 2018 - 12:01am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay ang isang deputy chief of police ng Cainta, Rizal nang barilin ng mga miyembro ng drug syndicate sa isang anti-drug operation kamakalawa ng gabi sa Lakas Bisig floodway ng nasabing lugar.

Ang nasawi ay kinilalang si P/Sr. Inspector Jimmy Senosin, residente ng RPPO Compound, Brgy. Dolores, Taytay ng lalawigan.

Batay sa ulat, bago naganap ang shootout bandang alas -7:00 ng gabi ay pinamunuan ni Senosin ang anti-drug operation sa  Block 3, Lakas Bisig Floodway, Cainta matapos makatanggap ng ulat sa pagbebenta ng droga ng mga armadong suspek sa lugar.

Subalit, paparating pa lamang sina Senosin nang paulanan sila ng bala ng mga suspek at tinamaan sa ulo ang una. Gumanti ng putok ang mga pulis at hinabol ang mga drug pusher na nagpulasan ng takbo at hinagisan pa ng granada ang mga pulis.

Naaresto ang dalawang suspek sa bahay ng target na bahay sa drug operation ay nadakip sina Ronaldo Idolog, 44  at Josephine Lachina, 29, na nahuli sa aktong nagre-repack ng shabu. Nagawa namang makatakas ng dalawa pa sa mga target na sina Reyland Jamon, 22 at  isang alyas Ruben Tae, nasa hustong gulang .

Nakumpiska sa lugar ang isang piraso ng MK2 fragmentation grenade, isang kuwintas dalawang bala ng baril , siyam na cartridge , ilang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

ANTI-DRUG OPERATION
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with