Humingi ng sex sa dating nobya, arestado
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaki na humingi ng sex sa dating nobya ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa Quezon City, kamakailan.

Ang suspek ay kinilalang si Abdul Razaq Bukhari, isang Fil-Pakistani ng San Mateo, Rizal, nagtatrabaho sa Dubai, United Arab Emirates na inireklamo sa paglabag sa Republic Act  9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004), Article 282 (Grave Threat) ng Revised Penal Code in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), at  R.A. 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009).

Ang pag-aresto sa suspek ay batay sa reklamo ng dati nitong  nobya na ipinapaskil ang kanyang hubad na larawan sa social media kung hindi papayag na makipagtalik sa una.

Naghiwalay ang dalawa matapos na matuklasan ng biktima na may-asawa na ito na hindi matanggap ng suspek.

Kaya’t gumanti ang suspek sa pagpapaskil ng hubad na larawan ng biktima sa social media na aalisin lang ng una kung papayag na sila ay muling magkita at mag-sex.

Dito na humingi ng tulong ang biktima sa NBI at nakipagkasundo na magkita at papayag na makipag-sex at nang magkita sa Timog Avenue ay doon na ito inaresto.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with