150 pamilya sa Quezon City nasunugan ng bahay
Mer Layson (Pang-masa) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nawalan ng kanilang mga bahay ang nasa 150 pamilya sa naganap na sunog kahapon ng madaling araw sa Commonwealth Avenue, Barangay Old Balara, Quezon City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City, na ang sunog ay nagsimula umano sa ikalawang palapag na bahay ng isang Alfredo Montemayor, dakong alas-2:26 ng mada­ling araw.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog dahil sa nahihirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa dikit-dikit ang mga bahay at pawang gawa lamang sa kahoy at makipot ang daan papasok sa lugar na kinaganapan ng sunog.

Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog bago ito idineklarang fire out ng mga bumbero at walang naiulat na nasugatan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with