9 Pinoy na bibitayin sa Malaysia, isasalba
Rudy Andal (Pang-masa) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hihingi ng clemency ang Malacañang sa Malaysian government para mailigtas sa parusang bitay ang 9 na Pilipinong militante na lumusob noong 2013 sa Sabah, Malaysia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tungkulin ng estado na tiyakin na ligtas ang mga Pilipino na nasa ibang bansa lalo ang mga nahatulan ng korte.

Ang tanging magagawa ng Malacañang ay umapela para sa clemency ng 9 Pinoy na nasa death row at nasa gobyerno pa rin ng Malaysia ang huling pagpapasya kung pagbibigyan ang hirit ng Pilipinas na clemency.

Ang 9 Pinoy na pawang tagasunod ng self-proclaimed Sultan of Sulu na si Jamalul Kirma III  ay nahatulan ng parusang kamatayan matapos mapatunayan na sangkot ang mga ito sa insidente nang biglaang paglusob  sa Silangang estado ng Sabah para  ituloy ang pagbawi ng Sultanate of Sulu sa Sabah.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with