“An investigation has been conducted and it has been found that the allegations of Rappler are untrue and unfounded,” wika pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa media briefing sa Albay kahapon ng umaga.
Michael Varcas
Go inabswelto ng Palasyo
Rudy Andal (Pang-masa) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inabswelto ng Malacañang si Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go sa isinagawang im­bestigasyon dito kaugnay sa naging alegasyon sa report ng Rappler na nanghimasok ito sa P15.7 bilyong frigate project ng Philippine Navy.

“An investigation has been conducted and it has been found that the allegations of Rappler are untrue and unfounded,” wika pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa media briefing sa Albay kahapon ng umaga.

Magugunita na inakusahan ng Rappler si Sec. Bong Go na nanghimasok sa P15.7 bilyong frigate project pero mariing itinanggi ito ni Go at sinabing handa siyang magbitiw sa puwesto kapag napatunayan ito ng Rappler.

Idinagdag pa ni Sec. Roque, nabigo din ang Rappler na maglabas ng kanilang ebidensiya para patunayan ang kanilang akusasyon laban kay Go gaya ng hamon sa kanila mismo ni Pangulong Duterte kamakalawa.

Maging si Defense Sec. Delfin Lorenzana ay nagsabi na hindi nakialam si Go at ang sinasabing dokumento ng Rappler na mayroon niyang marginal note ay walang anumang kahulugan kundi ni-refer lamang sa DND ni Sec. Bong Go bilang PMS chief.

Inendorso niya ang dokumento kay dating Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Ronald Joseph Mercado para aksyunan, na sinasabing may nakasulat na “note” na may pangalan ni Sec. Go. Pinabulaanan din ni dating Navy chief Mercado na nakialam si Go sa naturang proyekto.

Binigyang-diin ni Lorenzana na inakala lamang na kay Go nanggaling ang dokumento dahil sa Palasyo niya tinanggap ang dokumento.

HARRY ROQUE PRESIDENT CHRISTOPHER ‘BONG’ GO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with