Senator Pacquiao at Goitia, magtutulungan para sa Pasig River
(Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humanga sina Senador Manny “Pacman” Pacquiao at Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” Goitia nang isalaysay sa kanila ng opisyales ng Seoul City kung paano nasagip ang dating pinandidirihan at napakaruming Han River sa South Korea.

Dinalaw nina Pacquiao at Goitia nitong Disyembre ang kabisera ng South Korea kung saan pinasyalan nila ang makasaysayang ilog ng Han na dating tapunan ng toxic chemical na for­maldehyde ng US military na nakabase sa Seoul pero tourist spot na ngayon.

Napatigil ng mga South Korean ang pagtatapon ng kemikal at sinimulan na nilang linisin ang Han River sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan kaya pangunahing pinagkukunan ngayon ng inuming tubig sa Seoul.

Sa pakikipag-usap nina Pacquiao at Goitia sa South Korean officials na sumagip sa Han River, nakita nilang sa political will at kooperas­yon lamang ng mga mamamayan ang makasasagip ng Ilog Pasig.

“Kailangan talaga ang pagkakaisa ng lahat para masagip natin ang Pasig River, kung malilinis natin ang water quality ng Pasig River kahit sa Class C man lang, magagamit natin ito sa transportasyon hanggang Laguna at magiging lugar ng turismo at libangan”, sabi ni Pacquiao na itinalagang ‘Global Ambassador’ ni Seoul Mayor Park Woon Soon.

Para naman kay Goitia, kailangan ang lubos na pagkakaisa ng lahat ng ahensiya ng gobyerno para masagip ang Ilog Pasig na magiging sister river ng Han River.

“Nagtulung-tulong ang mga South Korean para mabuhay ang Han River at noong 1988 ay naging lugar pa ng regatta competition sa Summer Olympics.Kung nagawa ng mga South Korean na buhayin ang Han River, magagawa rin natin ito sa Ilog Pasig sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte,” pagtatapos ni Goitia.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with