Paslit nasagip sa 2 kidnaper
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasagip  kahapon ng pulisya ang isang 3-anyos na batang babae na si Princess Louisan Bumatay na dinukot noong Disyembre 30, 2017 sa Las Piñas City na kung saan naaresto ang dalawang kidnaper na sina Giselle Omayan, taga-Mabolo, Bacoor, Cavite at Sergio Cinolete, 26.

Bandang alas-5:30 kahapon ng umaga nang masagip ang biktima ng mga kagawad ng Las Piñas City Police sa isang follow-up at rescue operation sa Aplaya, Binakayan, Cavite na nagresulta din sa pagkakaaresto kay Omayan.

May hinala ang pulisya, na posibleng miyembro ng sindikato ang suspect na nadakip, na ang modus ay ibinibenta umano ang kanilang nagiging biktima at inuutusang manglimos.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with