500 sundalo idedeploy sa Traslacion sa pista ng Nazareno
Joy Cantos (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukod sa 5,000 miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na idedeploy sa Pista ng Nazareno sa Enero 9 ay may 500 sundalo ang ide­deploy din.

Ito ang inihayag kahapon ng bagong talagang si Armed Forces of the Philippines-Joint Task Force (AFP-JTF) National Capital Region (NCR) Commander Brig. Gen. Alan Arrojado.

Sinabi ni Arrojado na nakalatag na ang lahat ng segu­ridad na kanilang ipatutupad katuwang ang mga­ e­lemento ng NCRPO para matiyak na magiging mapayapa ang Traslacion ng Itim Na Nazareno.

Inaasahan namang aabot sa milyong mga deboto ng Itim Na Nazareno ang nakatakdang makiisa sa prusisyon.

Ayon pa sa opisyal na sa kasalukuyan ay wala silang namomonitor  na banta ng terorismo maliban sa mga kriminalidad at iba pa.

Related video:

NAZARENO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with