Ang nasunog na bahay ni Ka Freddie Aguilar sa Avery St., Brgy. North Fairview, Quezon City. Boy Santos

Bahay ni ka Freddie nasunog
Mer Layson (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

Buntis na misis tumalon sa bubong...

MANILA, Philippines — Nasunog ang bahay ng sikat na folk singer na si Ka Freddie Aguilar na kung saan nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang buntis niyang misis nang tumalon patungo sa bubong ng kanilang kapitbahay naganap kamakalawa ng gabi sa North Fairview, Quezon City.

Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection, dakong alas-11:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa music room sa ground floor ng bahay ng pamilya Aguilar.

Habang nasusunog ang ground floor ay nasa second floor naman ang buntis na misis ni Ka Freddie na si Jovie, 21, at biyenan nito.

Kaya dumaan sina Jovie sa balcony ng kanilang bahay saka tumalon sa bubong ng kanilang kapitbahay.

Mabilis na nakapagresponde sa lugar ang mga bumbero at idineklarang under control ang apoy ng alas-11:22 at fire out ng alas-11:38 ng gabi.

Nasa 70% sa bahay ng pamilyang Aguilar ang nasunog at tinitingnan nilang dahilan ng sunog ay ang overloading sa electrical system at pangalawa ay posibleng may tulo sa tubo ng tubig na maaaring umabot sa wiring ng bahay.

Nasa P20 milyon ang halaga ng gamit at ari-arian ang natupok ng apoy kabilang na ang mga orihinal na record ng kantang “Anak” at iba pang awitin ni Ka Freddie. 

Nalulungkot si Ka Freddie sa pangyayari dahil ipapamana sana niya sa kanyang mga apo ang mga collector’s items na kanyang pagmamay-ari pero nagpapasalamat na rin dahil walang nasaktan o kaya’y nasawi sa kanyang pamilya.

“Iyong mga CD na pinaghirapan ko, ewan ko kung buhay mga records sana. Nandiyan iyong mga bestseller ko na album, mga di pa nabuksan, pero okey lang, at least walang buhay na nawala”, sabi ni Ka Freddie.

Sunog din ang mga awards, paintings, mga antigong gamit at mahigit 12 mamahaling gitara na itinuturing na ni Ka Freddie bilang mga ‘collection item’ at tanging isang gitara na nagkakahalaga ng $5,000 ang tanging naisalba.

Muling nagbigay ng paalala ang BFP sa publiko na laging inspeksiyunin ang electrical wiring sa tahanan lalo na kapag dumarami ang mga appliances at gadgets na ginagamit.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with