Jeep nahulog sa bangin: 4 todas, 27 sugatan
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - December 25, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi habang 27 iba pa ang nasugatan matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa Brgy. Greenhills, Pres. Roxas, North Cotabato, nitong bisperas ng Pasko.

Tatlo sa  mga nasawi ay nakilalang sina Ryan Marfore, Delfin Igian at Michael Dalig; pawang dead-on-the-spot sa insidente habang ang isa pang biktima na inaalam pa ang pangalan ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 27 pang mga su­gatang biktima.

Sa ulat ng North Cotabato Police, bago nangyari ang trahedya dakong alas – 4:20 ng hapon sa nasabing lugar ay nagmamadaling umuwi ang mga biktima sa kanilang mga tahanan para maghanda ng noche buena.

Ang mga biktima ay galing Kidapawan City matapos na mamili ng pang-noche buena  sa isang mall sa lungsod at pauwi na  sa kanilang mga tahanan sa bayan ng Arakan  nang mangyari ang malagim na trahedya.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng pampasaherong jeepney (MVK 186)  na si Wenfred Inutan, 32, matapos na masira ang preno ng behikulo habang bumabagtas sa matarik na highway sa nasabing lugar.

Tuluy-tuloy na nahulog sa bangin ang jeepney kung saan mabilis namang nagresponde ang lokal na rescue team at isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with