^

Police Metro

Pinapahanap na ni Digong... Government official inaarbor ang naarestong anak ng drug queen

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinapahanap ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang isang government official na umano ay umaarbor sa nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Diane Yu Uy.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing sa Malacañang dahil ayaw na ayaw ni Pangulong Duterte ang mga ganitong hakbang lalo’t simula pa lamang ng Duterte administration ay inihayag na wawakasan niya ang problema sa illegal drugs at corruption sa pamahalaan.

Nabatid na ibinunyag mismo ni PDEA director-general Aaron Aquino na isang mataas na opisyal ng gobyerno ang nagtangkang umarbor kay Uy matapos nila itong maaresto sa Unit 3D sa Jy J condominium sa 867 Gen. Solano St., San Miguel, Manila na ilang metro ang layo sa Malacañang Palace at nakumpiska ang nasa P10 milyon halaga ng shabu.

Si Uy ay anak ng convicted drug queen na nakakulong sa Correctional for Women na si Yu Yuk Lai.

Samantala, idinagdag din ni Roque na malabong mabigyan ng presidential pardon ni Pangulong Duterte si Lai ngayong darating na Kapaskuhan dahil galit na galit ang Pangulo sa shabu.

Si Lai ay nahulihan kamakailan ng mga illegal drugs sa loob nang sa­lakayin ng PDEA at aabot sa P15 milyong halaga ng shabu ang nasamsam dito na nakalagay sa banga at nakalagay naman sa panty liners.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with