Ang nakasampid na bangkay ng jeepney operator na si Candido Siarot sa harapan ng kinukumpuning jeepney matapos ito at ang kanyang driver na si Robert Cadacio ay pagbabarilin ng tandem sa Panorama St., Brgy Concepcion, Marikina City, kahapon ng madaling araw. Kuha ni Joven Cagande

Operator, driver timbuwang sa tandem
Mer Layson (Pang-masa) - October 21, 2017 - 4:00pm

Niratrat habang nagkukumpuni ng jeepney…

MANILA, Philippines — Napatay noon din ang isang jeepney operator at driver nito makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sila ay magkatulong sa pagkukumpuni ng isang pampasaherong jeepney sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Candido Siarot, 55, operator, residente ng Purok Uno, Zone 8,  Cupang, Antipolo City at Roberto Cadacio, alyas ‘Muslim,’ driver na nakatira sa Cogeo, Antipolo City.

Hindi pa kilala ang dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen, sakay ng di naplakahang motorsiklo.

Sa ulat ng Marikina City Police, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa kanto Waco at Panorama Sts., sa Brgy. Concepcion Dos.

Kasalukuyan abala sa pagkukumpuni ng pampasaherong jeepney ang mga biktima sa lugar nang biglang dumating ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo.

Mabilis na bumaba ang backrider, nilapitan ang mga biktima at agad na pinagbabaril.      

Isang alyas ‘Romy’ naman ang itinuturing na person of interest ng mga awtoridad sa krimen.

Ito’y na matapos sabihin sa pulisya ni Erlinda Ocampo, 27, manugang ni Siarot, na bago naganap ang pagpatay ay nakaaway ni Cadacio si Romy dahil sa kanilang trabaho at pinagbantaan siya nitong papatayin.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga tauhan ng Marikina police para madakip si Romy.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with