Martial Law ‘di idedeklara sa Luzon, Visayas
Malou Escudero at Joy Cantos (Pang-masa) - July 22, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Hindi na kaila­ngan pang isama sa pagpapalawig ng deklarasyon ng martial law ng karagdagang limang buwan o hanggang Disyembre 31, 2017 sa buong rehiyon ng Mindanao ang Luzon at Visayas .

Ito ang nilinaw kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos namang pagtibayin ang ekstensiyon ng martial law sa Mindanao Region sa isinagawang special joint session ng dalawang Kapulungan ng Kongreso nitong Sabado.

 Sa pinagsamang boto ng mga Senador at Kongresista sa Kongreso, umaabot sa 261 ang bumoto ng pabor sa ekstensyon kung saan 16 sa nasabing bilang ay mga Senador. Nabatid na nangangailangan lamang ng 158 pinagsamang boto ng Senado at Kamara de Representantes para maaprubahan ang ekstens­yon.

 Sa panig ng Senado, tanging apat lamang ang komontra na kinabibila­ngan nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senador Risa Hontiveros, Bam Aquino, at Francis “Kiko” Pa­ngilinan.

Inihayag ni Lorenzana na makabubuti ang pagpapalawig ng martial law o Proclamation 216 dahilan posibleng magkaroon ng spill over ang rebelyon sa iba pang mga lungsod sa rehiyon ng Mindanao  kung hindi ito gagawin.

Nabatid kay Loren­zana sa kabuuang 279 naisyuhan ng arrest order sa ilalim ng martial law ay nasa 66 pa lamang personalidad na sangkot sa rebelyon sa Marawi City ang naaresto ng security forces .

Iginiit pa ng Kalihim na hindi na kailangang isailalim sa martial law ang rehiyon ng Luzon at Visayas dahilan hindi na umano kailangan ang ekstensyon ng martial law para magapi ang komunis­tang grupo.

Sa panig naman ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na kaila­ngan ang limang buwang ektensyon ng martial law na inamin nitong siya nilang inirekomenda kay Pangulong Duterte .

“ We need more time to solve the security problem in Mindanao, to protect the people in the region. We want to destroy permanent threats in Mindanao”, pahayag ng opisyal. Kabilang dito ay ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Central Min­danao at mga bandidong Abu Say­yaf Group na may hawak pang mga hostages sa Sulu at maging sa Basilan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with