Karambola ng 3 bus, mag-utol todas
Francis Elevado (Pang-masa) - June 19, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Tatlong bus ang nagkarambola sa kalsada na ikinasawi ng isang magkapatid habang marami ang nasugatan naganap kahapon sa  bayan ng Ragay, Camarines Sur.

Namatay noon din ang magkapatid na sina Ronald at Ron Ron Manlangit, kapwa nasa hustong gulang.

Ayon kay P/Chief Ins­pector Christopher Aduviso, hepe ng pulisya sa bayang ito, nabatid na papuntang Maynila ang mga nasabing bus nang aksidenteng mabangga ng Silver Star bus ang sinusundang DLTB bus.

Nakasunod ang Mega bus, subalit nagawang makaiwas sa salpok sa DLTB bus, subalit bumangga naman ito sa isang kongkretong bakod sa tabi ng kalsada.

Ang mga nasugatang pasahero ay mabilis na naisugod sa ospital sa Naga City.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with