Intsik timbog sa p8-m shabu
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - May 18, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines -   Isang Chinese national na pinaniniwalaang  mi­yembro ng isang bigtime drug syndicate at  isa sa mga  supplier ng droga sa Metro Manila  ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy bust operation sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala  ni PDEA Regional Director Wilkins Villanueva ang suspect na si Niko Sy “alyas Shi Yong Ming” na pansa­mantalang naninirahan sa Malate Manila at nakum­piska dito ang nasa 2 kilong shabu  na may street value na P8 milyon.

Base sa report ng mga otoridad, bandang alas-10:00 ng gabi nang unang magsagawa ng buy bust operation sa may parking lot ng Harrison Plaza sa Maynila.

Subalit, nakatunog umano ang suspect at binago nito ang lugar at napagkasunduan ang transaksyon sa may Macapagal Boulevard malapit sa  Solaire Casino Hotel sa Parañaque City.

Nagpanggap na poseur buyer ang isang tauhan ng PDEA na bibili ng isang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Nang aktong iabot na ni Sy ang nasabing droga ay dito na siya inaresto ng mga nakaantabay na miyembro ng PDEA.

Nang halungkatin ang kotse nito ay nakuha pa ang isang kilong shabu at P250,000  cash, na hinihinalang drug money at ang P1 milyon   marked money na ginamit sa buy bust operation.

Ayon sa PDEA ang suspect ay sinasabing supplier ng droga na nag-ooperate sa Metro Manila at  pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalan ng drug syndicate dahil sa isasagawang follow-up operation. 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with