Kuha ni Francis Elevado
 

Misis hinalay, sinunog nang buhay
(Pang-masa) - May 18, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines -  Malaki ang hinala ng pulisya na hinalay muna bago sinunog nang buhay ang isang 32-anyos na misis kamakalawa sa Purok 1, Brgy. Tarum, Mercedes, Camarines Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Rodelyn Dominguez, residente ng  Purok 2, Brgy. Pambuhan ng nasabing bayan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya nang matagpuan ang sunog na bangkay ng biktima ay nakababa ang panty nito at putok ang ulo na maaaring pinukpok ng matigas na bagay at nang mawalan ng malay tao ay doon na ito sinindihan.

Sa salaysay ng mga kaanak na huling nakitang buhay ang biktima noong Mayo 14 dakong alas-6:30 ng gabi na nagpaalam para bumili ng yelo at vetsin sa tindahan.

Ang biktima ay sina­sabing tumatao sa kanyang binabantayang niyugan sa Purok 5, Sitio Atongon, subalit hindi na nakabalik ng bahay.

 May nakarating na ulat sa pulisya na ang posibleng suspek ay dumalo sa isang benefit dance ng barangay noong bisperas ng kapistahan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with