^

Police Metro

Mag-ina, 5 pa timbog sa P.3-M shabu

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pitong katao ang naaresto ng pulisya kabilang ang isang mag-ina sa isinagawang buy bust operation at nakumpiska ang nasa P300,000 halaga ng shabu kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Angelita Bongat, 35; anak nitong si Ian, 17; Ruelito Gueñez; Enrique Taylo, 50; Edgar Alarcon, 37; Rocky Fajardo, 30 at Anthony Almerante, 39.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi  nang isagawa ang buy bust operation sa bahay ng mga-inang Bongat sa Everlasting St., kanto ng Sampaguita St., Brgy. 184, Maricaban.

Isang pulis ang nagkunwaring bibili ng shabu kay Gueñez na nagkakahalaga ng P1,500 at nang matanggap ang items ay doon na inaresto.

Itinuro ni Guenez na kumukuha siya ng droga kay Bongat kaya’t nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa bahay ng huli at dito ay naabutan ng mga pulis na gumagamit ng droga ang iba pang  mga suspek kaya’t inaresto ang mga ito.

Umaabot sa 150 gramo ng shabu na ang kabuuang halaga ay nasa P300,000.

vuukle comment

ANGELITA BONGAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with