Inieksamin ng isang miyembro ng SOCO Team ang mga tama ng bala sa bintana ng sasakyan ng mag-asawang sina LTJG Archie Hicban, ng Philippine Coast Guard at misis na si April Hicban, 38 matapos na sila ay pagbabarilin ng riding in tandem suspek sa Road 10, kanto ng Capulong St., Tondo, Maynila.
Joven Cagande
Opisyal ng coast guard, misis patay sa ambush
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - April 20, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng dalawang lalaki na sakay na motorsiklo sa naganap ambush ang isang opis­yal ng Philippine Coast Guard (PCG) at misis  nito naganap kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang sina LTJG Archie Hicban, dating nakatalaga bilang Coast Guard Station Comman­der sa Naga Camarines Sur at kasalukuyang sumasailalim sa Coast Guard Command and Staff Course at misis nitong si April Hicban, 38, kapwa residente ng  6 Montmarte Street, Merville Park, Parañaque City.

Hindi pa tukoy ang dalawang suspek na tumakas sakay ng isang motorsiklo na pawang naka-helmet at naka-face mask.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-homicide section, bago naganap ang pananambang sa mag-asawa dakong alas-11:45 Road 10, kanto ng Capulong Street, Tondo, Barangay 105, Zone 8 lulan sila ng isang puting Mitsubishi Strada GLX (TRO-633) at bumibiyahe sa Road 10 nang huminto dahil sa  stop light kanto ng Capulong Street.

Huminto rin sa tabi  ng sasakyan ng mag-asawa ang motorsiklo  ng  mga suspek at kaagad silang pinaulanan ng bala bago nagsitakas.

Tinangka pang iligtas ng mister ang misis sa pamamagitan ng pagyakap dito at pagsangga sa mga bala, subalit nasawi rin nang masapol sa ulo, dibdib at braso. 

Narekober sa crime scene ang 14 na basyo ng bala at bag ni Hicban.

PCG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with