Seguridad ni Digong sa pagbisita sa Pagasa Island ikinakasa na
Joy Cantos (Pang-masa) - April 9, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Ikinakasa na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad  kaugnay ng planong pagbisita ni Pangulong Rodrigo “Digong “ Duterte sa Pagasa Island, isa sa siyam na isla na inookupa ng Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea).

Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na bagaman ang Presidential Security Group (PSG) ang pangunahing nangangalaga sa seguridad ng punong ehekutibo ay tutulong ang AFP troops sa pagtiyak sa kaligtasan nito.

 “ We will make sure he gets there safely and he goes back safely “, pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla kung saan inilalatag na ang kaukulang seguridad para dito.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na plano niyang bumisita sa Pagasa Island upang itaas ang bandila ng Pilipinas dito sa  darating na Hunyo 12 sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan sa bansa.

Samantalang wala namang nakikitang problema ang  mga opisyal ng AFP kung nais mang bumisita ng Pangulong Duterte sa nasabing isla dahilan bahagi ito ng pagaaring teritoryo ng Pilipinas. Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año kung tutuusin ay nai-award na sa arbitration ruling ng United Nations ang ma­laking bahagi ng teritoryo sa West Philippine Sea sa Pilipinas.  

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with