Karagdagang sundalo ipapadala sa WPS
Joy Cantos (Pang-masa) - April 8, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Habang inaayos ang mga istruktura at pasilidad ay nakatakdang magpadala ng karagdagang tropa ang  Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinag-aagawang teritor­yo sa West Philippine Sea (South China Sea).

Ito ang inihayag kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na okupahan ang lahat ng mga isla sa Kalayaan Island Groups (KIG).

Nilinaw naman ni Año na okupado na ang lahat ng siyam na isla na bumubuo sa KIG sa West PH Sea na inookupa ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi ni Año na ang iba pang mga isla sa West Philippine Sea ay inookupa naman ng China, Vietnam  at iba pang kaagaw ng Pilipinas sa nasabing teritoryo.

Nilinaw naman ng AFP Chief na lalagyan ng AFP  ng mga bantay maging ang mga nakalubog na bato o lupa na nasasaklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Idinagdag pa nito na marapat lamang na i-upgrade ang mga pasilidad  at istraktura na nasasakop ng  Pilipinas sa West Phi­lippine Sea  at hindi mag-okupa ng bagong teritoryo.

Kabilang naman sa isasaayos sa West Phi­lippine Sea ay ang mga barracks ng mga sundalo, water and sewage disposal system, generators, light houses at maging ang mga mapagkakanlungan ng mga mangingisda.

EDUARDO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with