Beauty queen ng Bulacan, pinatay
Joy Cantos (Pang-masa) - April 7, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng hindi pa kilalang salarin ang isang dating beauty queen matapos tumanggap ng delivery ng isang kumpol ng mga rosas at tsokolate sa kanyang bahay sa Plaridel, Bulacan kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si May Christine Balagtas.

Sa ulat ni Bulacan Ac­ting Provincial Director P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., dakong alas-9:10 ng umaga ay katatanggap lang ng mga rosas at isang kahon ng tsokolate ang biktima sa kanyang bahay sa La Mirada Subdivision, Brgy. Banga, Plaridel nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki at pagbabarilin ito sa ulo at katawan.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas lulan ng motorsiklo patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Ang biktima ay nagwaging Lakambini ng Bulacan noong 2009 sa beauty contest sa kanilang lalawigan.-

ROMEO CARAMAT JR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with