AFP magbibigay ng dagdag-proteksyon kay Noynoy atbp
Joy Cantos (Pang-masa) - April 4, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bigyan ng seguridad si dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang mga opisyal  laban sa bantang pagpapakilos ng National Democratic Front (NDF) sa kanilang armed wing na mga rebeldeng New People’s Army (NPA) upang dakpin ang mga ito.

Tiniyak kahapon ni  AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na sinabi pang illegal, walang basehan at labag sa batas ang nais ipatupad na pagpapaaresto ng NDF  laban sa dating Pangulong Aquino at iba pang nasa “arrest order” ng komunistang grupo.

Bukod kay Aquino kabilang pa sa ipinaaresto ng NDF sa nagkalat na puwersa ng NPA rebels sa Southern Mindanao ay sina North Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato Rep. Nancy Catamco gayundin ang ilang opisyal ng PNP at AFP kaugnay ng madugong pagbuwag sa rally ng militanteng magsasaka sa Kidapawan City noong Abril 1 ng nakalipas na taon na ikinasawi ng isa sa mga rali­yista habang marami ang nasugatan matapos na magsalpukan ang nagpang-abot na puwersa ng pulisya at hanay ng mga bayolenteng demonstrador.

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with