Sundalo patay, 9 sugatan sa ambush
Rhoderick ­Beñez, Joy Cantos (Pang-masa) - March 22, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Namatay noon din ang isang miyembro ng Philippine Marine habang nasugatan ang 9 nitong kasama matapos na sila ay pagbabarilin sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa masukal na bahagi ng Pangin, Sitio Tinagdanan, Brgy. Hinalaan, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Kinilala ni P/SSupt. Raul Supiter, Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office ang nasawi na si Private Albino Bahian III ng 2nd Marine Batallion Landing Team 2.

Nasugatan naman sina Cpl. Marlon Capino Ampao, 27; Staff Sergeant Alexander Cabaicruz Palcasantos, 41; Private Randy Nawali Borromeo, 26; Cpl. Robert Paul Cabal de Asis, 27; Cpl. Carsle Sarzuela Camo, 30; Cpl. Joseph Calima Accad, 28; Pfc. Kenneth Dave Abejo Calaycay, 25; Pfc. Glenn Cabaluna Genova, 26; at Pfc. Jared Ra Sugagil, 24.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng MBLT 2 sa lugar nang tambangan ang mga ito ng hindi mabilang na armadong grupo na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army.

Umabot ng tatlong oras ang bakbakan sa mag­kabilang panig na humupa lamang ng magpakawala ng bomba ang mga sundalo dahilan para umatras ang mga rebelde.

Kinukumpirma pa ang ulat na may 6 rebelde ang namatay habang siyam ang nasugatan.

RAUL SUPITER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with