Mataas na parusa sa mga ospital na humihingi muna ng deposito bago admit
Gemma Garcia (Pang-masa) - March 11, 2017 - 12:13am

MANILA, Philippines - Babala sa mga ospital na ayaw tumanggap ng pasyente kung walang pang-deposit dahil aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na nagtataas na parusa.

Sa House Bill 5159 na inihain ni Akbayan Rep. Tom Villarin, pinaam­yendahan nito ang batas na nagbabawal sa mga ospital na obligahin ang mga pasyente na magbayad muna ng deposito bago sila i-admit.

Ipinasasakop din ng panukala sa batas ang mga babaeng buntis na nagle-labor at nasa panganib na makunan.

Layunin din ng panukala na makapagligtas ng mas mara­ming buhay dahil ito ay hindi dapat nakasalalay sa kakayahan na magbayad ng deposito.

Sa sandaling maisabatas ang panukala ang mga may-ari, presidente at Chairman of the Board ng ospital ay maaring makulong hanggang anim na taon o multa ng hanggang isang milyong piso bukod pa ang danyos na maaaring habulin
ng isang magrereklamong pasyente.

Kung aabot naman sa tatlong ulit ang paglabag ay maaring maalisan ng lisensya at tuluyang maipa­sara ang ospital.

OSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with