Mag-asawang drug lord patay sa raid
Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - March 10, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Napatay ng mga otoridad sa isinagawang anti-illegal drugs operation ang isang mag-asawa na umano ay drug lord matapos na manlaban umano ang mga ito naganap kamakailan sa Maguing, Lanao del Sur.

Kinilala ni Lanao del Sur PNP Director, Police Supt. Oscar Nantes ang mag-asawang napatay ay sina Cairodin at Farhana Pangao Anto, kapwa nasa hustong gulang  na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.  

Nabatid na ang mag-asawang Anto ay isa sa limang target ng magkasabay na operasyon ng PNP-ARMM,CIDG-ARMM, Special Action Force, Philippine Navy, at PDEA-ARMM sa Barangay Bato-bato at Barangay Malingon sa bayan ng Maguing.

Ayon kay Nantes, u­nang pinaputukan ng mag-asawa ang raiding team dahilan para gumanti ng putok ang mga huli na naging sanhi ng pagkasawi ng mga suspek. 

Sugatan naman ang menor de edad na anak ng mag-asawa na patuloy pa ring ginagamot sa ospital at dalawang miyembro ng Philippine Navy.  

Bigo namang mahuli ng mga raiding team ang mga suspected drug dealer sa lugar na sina Baulo Anto at Sultan Abdullah Pundugar.  

Narekober sa abandonadong hideout ng mag-asawa ang dalawang sachets ng shabu na may bigat na sampung gramo, tatlong long firearms, limang short firearms, tatlong rifle grenades at iba’t ibang uri ng mga bala

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with