Estudyante timbog sa pag-hack ng 2000 credit cards
Ludy Bermudo (Pang-masa) - March 9, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang university scholar na sangkot sa pagha-hack ng nasa 2000 credit cards sa Cauayan City, Isabela.

Ang suspek na nakapiit sa NBI detention facility ay kinilalang si Christian Ian Salvador, 22-anyos, estudyante ng Isabela State University, Cauayan Campus na nahaharap sa kasong phi­shing o pagnanakaw ng mga sensitibong dokumento gaya ng usernames, passwords at credit card details sa pa­mamagitan ng  internet.

Nabatid na isang kila­lang bangko ang naghain ng reklamo sa NBI kaugnay sa iligal na transaksiyon ng suspek kaya’t naghain ng aplikasyon para sa search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) at sinalakay ang bahay ng suspek sa lalawigan.

Umaabot sa 2000 ang na-hack ng suspek na mga credit cards  kaya’t naka­bili ito ng kotse, motorsiklo at  mga mamahaling gadget. May isang taon nang solong ginagawa ng suspek ang nasabing iligal na gawain.

Ipinagharap ng rek­lamong paglabag sa Cybercrime law o RA 10173; RA  1998 o Unauthorized Possession of Access Device at inihahanda pa ang reklamong paglabag sa RA  1075 o Computer Related Forgery, Computer Related Identity Theft at Cybersquatting. 

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with