Hindi nagsoli ng panabong na manok, utas sa kaibigan
Ludy Bermudo (Pang-masa) - March 6, 2017 - 12:12am

MANILA, Philippines -  Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 37-anyos na lalaki nang ito ay saksakin ng kaibigan habang natutulog sa nakaparadang tricycle sa Sta. Ana, Maynila,kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Jose Lumabao Navarro alyas “Joji”, miyembro ng Batang City Jail (BCJ), tattoo artist at residente ng no. 2525 Onyx St., San Andres, Bukid,  Maynila.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Leonardo Tostos Torreon alyas “Kulot”, 50, vendor at residente ng  naturang lugar.

Bago nangyari ang krimen dakong alas-6:00 ng umaga sa Zobel St., San Andres Bukid ay nabatid na may isang buwan na ang nakaraan nang magkasuntukan ang dalawa kaugnay sa panabong na manok na bigong isoli ng biktima. Kaya’t ng nasabing araw ay naispatan ng suspek ang biktima na mahimbing ang tulog sa nakaparadang tricycle at nilapitan niya ito at sinaksak sa dibdib. 

KAIBIGAN
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with