_pang-masa
^

Police Metro

2 sa 4 misis ng nasawing bus driver sa Tanay mishapnagkita sa pag-claim ng insurance benefits

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkita at nagpang-abot sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawa sa apat na asawa ng namatay na driver ng Panda Coach Tours na si Julian Lacorda Jr. kahapon upang kunin ang insurance claims sa SCCI management and Insurance Agency Corporation.

Nabatid na noong Huwebes ay nakuha na ng lahat ng mga kapa­milya ng 14 na nasa­wing mag-aaral ang insurance claims sa naturang insu­rance company gayundin ng mga nasugatan sa insidente at tanging ang kapamilya ni Lacorda ang hindi kumuha ng claims.

Sa hindi inaasahang pagkakataon kahapon ay nagkita ang dalawang babae sa buhay ni Lacorda sa LTFRB para kunin ang claims.

Sa halip na mag-away, maayos namang nag-usap sina Erlinda Lacorda, legal na asawa ni Lacorda, tubong Surigao, 42 at ikalawang asawa na si  Bernadette Berkman, 40, Cogeo, Antipolo City.

Apat ang anak ni Lacorda kay Erlinda at dalawa  kay Bernadette.

Nasa P200,000 ang nakuhang insurance claims ni Erlinda na na­ngako na hahatian si Bernadette at maging ikatlong asawa ng mister habang planong hatian ang ika-apat na asawa ng mister mula sa Bulacan dahil mahirap umano itong kausap.

Bunga nito, halos lahat na ng mga nasawi at nasugatan sa aksidente sa Tanay Rizal ay na­bigyan na ng insurance claims mula sa SCCI.

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with