Sa dating selda ni ex-Sen. Enrile... De Lima ikinulong sa Crame
Lordeth Bonilla, Joy Cantos, Malou Escudero (Pang-masa) - February 25, 2017 - 11:08pm

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na puwedeng ikulong si Senator Leila de Lima sa selda na dating pinagkakulungan ni dating Senador Juan Ponce Enrile.

Ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos sa isang news conference na ang dating detention cell ni Enrile o sa mag-asawang Communist-rebel-couple Benito at Wilma Tiamzon ay ilan lang sa mga selda na maaaring ikulong si  De Lima.

 “I asked from the [PNP] HSS [Headquarters Support Service], they are preparing two possible spaces, one used by Senator Enrile and one used by the Tiamzon couple,” wika ni Carlos.

Magugunita na noong Huwebes ay nagpalabas ang Muntinlupa RTC ng  warrant of arrest para kay De Lima, kanyang dating driver-bodyguard-lover na si  Ronnie Dayan, at dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos dahil sa illegal drugs trading.

Iniwasan ni De Lima na arestuhin sa bahay kaya’t muling bumalik sa Senado na kung saan kahapon ng umaga ay kusa na itong sumama sa mga PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP).

“Very cooperative po si Senator Leila de Lima du­ring the booking process, kaya naging mabilis po,” wika ni Carlos.

Sinabi ni Carlos na hindi na pwedeng gampanan ni De Lima ang kanyang tungkulin bilang Senador tulad na nangyari kina dating Senators Enrile, Jinggoy Estrada, at Ramon Revilla Jr. na mga nakaupong senador noon nang sila ay arestuhin sa pork barrel cases.

Nakapag-piyansa si Enrile habang sina Revilla at Estrada ay patuloy na nakakulong sa custodial center habang dinidinig pa ang kanilang kaso.

Sinabi pa ni Carlos na si De Lima ay mayroong 24/7 access para sa kanyang mga abogado at may oras na pagbisita sa kanyang malalapit na pamilya.

Kailangan naman humingi ng permiso kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa ang mga nais na bibisita kay De Lima bago ang mga ito ay papasukin.

Samantala, ang isa pang akusado na si Ronnie Palisoc  Dayan, ang dating lover at umano’y bagman sa payola sa droga ng Senadora na naaresto naman sa bahay nito sa Brgy. Galarin, Urbiztondo, Pangasinan nitong Huwebes  dakong alas -7:00 ng gabi ay ibiniyahe  patungong Muntinlupa City Police.

JUAN PONCE ENRILE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with