3,000 pamilya nasunugan sa parola
3,000 pamilya nasunugan sa parola
Ludy Bermudo (Pang-masa) - February 9, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Nasa 3,000 pamilya sa Parola, Tondo, Maynila ang nawalan ng bahay sa naganap na sampung oras na sunog na nagsimula kamakalawa ng gabi at idineklarang fireout kahapon ng umaga.

Umaabot din umano sa 21 ang nasugatan kabilang ang 16 bumbero na nagtamo ng  minor injuries.

Sa ulat, dakong alas-9:41 ng gabi nang sumiklab ang apoy mula sa bahay ng isang Lola Adan na mabilis na ku­malat ang apoy sa katabing kabahayan na pawang yari sa kahoy sa Area B, Gate 10, Parola, Tondo, na umakyat ang alarma sa Task Force Delta.

Nahirapan sa pag-apula ng apoy ang mga bumbero dahil masisikip ang mga daanan na nakaantala sa paglabas at pagpasok ng mga trak na naubusan ng tubig.

Kahapon ng alas-7:25 ng umaga nang maideklarang fire-out ang sunog na tinatayang nasa P6 milyon ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang sanhin ng sunog sa bahay ni Lola Adan.

MAYNILA PAROLA TONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with