Dumlao ikakanta ang 2 nbi agent na sangkot sa jee kidnap/slay

#INTRIGA PA MORE - Joy Cantos (Pang-masa) - January 31, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -   Ikakanta na umano ni Supt. Raphael Dumlao III ang dalawang ahente ng National Bureau of Investigation na sangkot sa pagdukot at pagpatay kay South Korean trader Jee Ick–joo.

 Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na handa na umanong makipagkoo­perasyon si Dumlao sa imbestigasyon sa kaso.

Si Dumlao ay ang superior ni SPO3 Ricky Sta Isabel na itinuturong sangkot at mismong pumatay kay Ick-joo sa loob ng Camp Crame matapos nilang dukutin ito sa bahay sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 2016.

“He is willing to tell all to give the whole picture of the story, according to his version kaya nga titignan ng imbestigador yan kung nagsasabi siya ng totoo na sasabihin niya lahat,” ani Dela Rosa.

Si Dumlao ay kasalukuyang nasa ilalim ng ‘restrictive custody’ sa Headquarters Support Service (HSS) matapos naman itong maibalik sa  Camp Crame nang pu­malag noong Sabado ng madaling araw sa warrant of arrest ,  pumara ng taxi at umuwi sa kanilang bahay sa Antipolo City.

Ayon kay Dela Rosa, kasalukuyan pang pinaghahanap ang dalawang ahente ng NBI na sangkot sa kaso bukod pa kay Jerry Omlang ang sinasabing driver ng NBI Director.

Nabatid na si Dumlao ang alyas ‘Sir Dumlao’ na nasa warrant of arrest na inisyu ng korte sa Angeles City kaugnay ng kidnap slay kay Jee.

Bukod kina Dumlao at Sta. Isabel ay sangkot din sina SPO4 Roy Villegas at PO2 Christopher Baldovino.

DUMLAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with