Nasaktan sa drug war ni Duterte... ‘tokhang for ransom’ pakana ng ex-official
BAHALA SI BITAG - Joy Cantos (Pang-masa) - January 19, 2017 - 12:00pm

MANILA, Philippines - Inihayag ni P/Sr. Supt. Albert Ignatius Ferro, Director  ng PNP Anti-Illegal Durgs Group (PNP-AIDG) na iniim­bestigahan ng liderato ang isang dating mataas na opisyal ng pulisya ang posibleng nagpopondo kay SPO3 Ricky Sta. Isabel na itinuturong sangkot sa kidnap for ransom sa South Korean trader na si Jee Ick-joo, 53 na umano ay nasasaktan sa drug war ng administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Si Sta.  Isabel ay boluntaryong sumuko at nagpasailalim sa kustodya ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes matapos namang ipag-utos ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang manhunt operations laban dito.

Sinabi rin ni Ferro na isinailalim na sa ‘restrictive custody  ang isang police colonel at dalawa pang pulis na sinasabing kasabwat ni Sta. Isabel sa pagdukot sa Koreano.

Ang nasabing police Colonel ay ang team lea­der umano mismo ni Sta. Isabel nang isagawa ang pagdukot kay Ick-joo  sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 18 ng taong ito.

Sinasabing si Ick –joo ay pinaslang, dinala ang bangkay sa isang punerarya sa Caloocan City kamakalawa  kung saan ito na-cremate saka itinapon sa toilet bowl sa comfort room ang abo.

Sa kasalukuyan, ayon naman kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, sinabi nito na hinihintay pa nila ang warrant of arrest laban sa  mga suspek upang arestuhin ang mga ito.

NASAKTAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with